Add parallel Print Page Options

Ang pangyayaring ito'y nakarating sa kaalaman ng mga Benjaminita.

Ang tanong ng mga Israelita, “Paano ba naganap ang kasamaang ito?” Ang pangyayari ay isinalaysay ng Levita na asawa ng babaing pinaslang, “Kami ng aking asawang-lingkod ay nagdaan sa Gibea na sakop ng mga Benjaminita upang doon magpalipas ng gabi. Kinagabihan, ang bahay na tinutuluyan namin ay pinaligiran at pinasok ng mga taga-Gibea at gusto akong patayin. Ngunit sa halip, ginahasa nila ang aking asawa hanggang sa siya'y mamatay.

Read full chapter